Muling nagbabala ang Commission on Elections sa mga politikong susubukang mangampanya ngayong Nazareno 2025.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, kailangang mag-ingat ang mga politikong tatakbo ngayong 2025 midterm election sa pagpopost at pagsasagawa ng caridad, tulad ng pamamahagi ng pagkain dahil maaaring maidiskwalipika ang mga ito.
Kaugnay nito, nananawagan din si Rev. Father Rufino ‘Jun’ Secson, Rector at Parish Priest ng Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno sa mga politiko na igalang ang nasabing okasyon.
Una nang nagpahiwatig ng pagkadismaya ang COMELEC hinggil sa mga politikong nagpapalabas na ng mga advertisements bago pa man magsimula ang campaign period. – Sa panulat ni Alyssa Quevedo