Nanawagan ang Commission on Elections o COMELEC sa hindi pa nakapagpaparehistro para makaboto sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections sa susunod na taon.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, kailangang magparehistro dahil hindi na palalawigin pa ang voter’s registration period na magtatapos na sa Nobyembre 30.
Inaasahan naman na marami ang hahabol sa naturang deadline dahil sa Bonifacio Day at isang regular holiday ito na maaring samantalahin ng mga walang pasok na estudyante at mga manggagawa.
Sa ngayon ay umabot pa lamang sa 500,000 mga botante ang nagparehistro simula nang buksan ang registration ngayong buwan.