Muling nagtakda ang Commission on Elections (COMELEC) ng voter registration para sa gaganaping barangay at sagguniang kabataan (SK) elections sa May 11, 2020.
Ayon sa COMELEC, simula sa August 1 hanggang September 30 ay maaari nang magparehistro para sa mga nais lumahok sa naturang halalan.
Maaaring magparehistro mula Lunes hanggang Sabado, maski holiday, mula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa Office of the Election Officer o anumang satellite registration site sa lokalidad kung saan nakatira ang magpaparehistro.
Samantala, isinusulong din ng poll body ang pagkakaroon ng satellite registration site kung saan maaaring magparehistro sa barangay hall at public at private school at unibersidad, mall at commercial establishment.
Layon umano nito na mas mapalapit sa mga tao ang proseso ng registration.