Nag-abiso ang COMELEC na bukas ang kanilang OEOS o Offices of Election Officers bukas, holy Monday hanggang holy Wednesday (Abril 12), maging sa Black Saturday (Abril 15), mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.
Dahil dito, umapela si COMELEC Spokesman James Jimenez sa publiko na samantalahin ang Semana Santa para makapagparehistro para sa Barangay at SK elections na gaganapin sa Oktubre a-Bente Tres.
Sarado naman ang OEOS sa holy Thursday at Good Friday.
Magtatapos ang voter’s registration sa a-Bente Nueve ng Abril.
By: Meann Tanbio