Humingi ng paumanhin sa publiko si Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andy Bautista makaraang ibasura ng en banc ang paglilipat sa mga mall ng ilang mga presinto ngayong darating na halalan.
Gayunman, dumpensa si Bautista sa kanyang panukalang mall voting sa pagsasabing, kailangan ng bansa ang isang maayos at kapani-paniwalang halalan.
Hindi aniya tulad ng kanyang mga kasamahan na ang nais ay mairaos lamang ang anumang uri ng halalan sa tradisyunal na pamamaraan.
Gayunman, sinabi ni Bautista na hindi nito maaapektuhan ang magiging takbo ng darating na eleksyon sa Mayo kahit pa nakapaghanda na sila rito.
Kasunod nito, sinabi ng Poll Chief na kanya pa ring isusulong ang botohan sa mga mall sa susunod na halalan sa taong 2019.
Bahagi ng pahayag ni COMELEC Chairman Andy Bautista
By Jaymark Dagala