Binalaan ng Commission on Elections ang mga kandidato laban sa maikukunsiderang pagbili ng anumang uri ng mga boto sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Aminado si COMELEC Spokesman John Rex Laudiangco na hindi mapipigilan ang mga halal na opisyal sa pag-endorso at pagsuporta sa mga Barangay at S.K. Candidates.
Gayunman, binigyang-diin ni Laudiangco na dapat tiyaking walang nagagamit na public funds sa oras na suportahan ang isang partikular na kandidato.
Pinaalalahanan naman ng tagpagsalita ng poll body ang mga kandidato na ipinagbabawal ang premature campaigning bago ang October 30 elections at itinakda lamang sa 5 pesos per registered voter ang kanilang spending limit.
Hindi rin maaaring maupo sa pwesto ang mga mananalong kandidato hangga’t hindi nagsusumite ng Statement of Contribution and Expenditures.