Muling nagpaalala ang Commission on Election (COMELEC) sa mga kandidatong mapapatunayang sangkot sa vote buying.
Sa Laging Handa Briefing sinabi ni COMELEC Dir. Elaiza David na maging ang mga botanteng tatanggap ng suhol ay kasama sa makakasuhan.
Habang ang mga kandidatong sangkot sa vote buying ay maaaring madikwalipika sa pagtakbo sa 2022 Halalan.
Bukod dito, mahaharap din ito sa election offense na may multa at pagkakakulong.
Maaari naman makulong ang mga botante ng hanggang anim na taon kung mapatutunayang tumanggap ito ng suhol.
Samantala, nagbabala ang komisyon sa posibleng talamak na vote buying gamit ang makabagong teknolohiya.