Muling nagbigay ng mga paalala sa mga botante ang Commission on Elections o COMELEC kung ano ang mga puede at hindi puedeng gawin sa eleksyon.
Ayon kay Director James Jimenez, Spokesman ng COMELEC, makabubuti kung may dalang valid id ang mga botante upang mapadali ang pagpapakilala.
Mapapabilis rin anya ang pagboto kung may dalang kodigo ng mga botante kung sino sino ang kanilang mga iboboto.
Higit sa lahat bago magtungo sa polling booth, dapat suriing mabuti ang ibinigay na balota kung malinis at walang kahit anong uri ng marka.
Bahagi ng pahayag ni COMELEC Spokesman Director James Jimenez
Kasabay nito, binalaan ni Jimenez ang sinumang magtatangkang kumuha ng larawan ng balota o ng resibo ng kanyang boto na maaari silang makulong.
Bahagi ng pahayag ni COMELEC Spokesman Director James Jimenez
By Len Aguirre | Ratsada Balita