Nagsimula nang maghanda ang COMELEC o Commission on Elections para sa Barangay Elections ngayong taon
Ito’y kahit pa nagpahayag na si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban muna ang halalang pambaranggay dahil baka maihalal raw muli ang mga barangay captain na sangkot umano sa iligal na droga.
Ayon sa COMELEC, nakapaglaan na sila ng P164-M na pondo para sa pagbili ng election materials gaya ng ballpen, ballot secrecy folder, bond paper, kraft paper, carbonless, paper, fingerprint takers, plastic secuirty seals, printer ink at ribbon.
Naka post na ngayon sa website ng COMELEC ang bid invitation para sa nasabing mga kagamitan.
Sa ngayon, mayroon nang panukalang batas sa Kamara na layong ipagpaliban sa ikalawang pagkakataon ang Barangay at SK o Sangguniang Kabataan Elections.
By Jonathan Andal