Naghahanda na ang Commission on Elections o COMELEC para sa Presidential debate ng mga tatakbo sa 2022 national and local elections.
Ayon kay COMELEC Dir. James Jimenez, kabilang sa mga ikinukunsidera ay ang face to face debate pero walang live audience.
Tiniyak ng mga Presidential candidate na handa sila sa pisikal na harapan.
Una nang sinabi ni Senator Manny Pacquiao na pabor ito na personal na magharap harap sila sa nasabing debate.
Sinabi naman ni Vice President Leni Robredo, na pabor din ito sa face to face debate dahil direktang makikita ng mga tao ang sasabihin ng mga kandidato kung sa social media kasi aniya may limitasyon ito.
Samantala, pabor din sa harapang debate sina Mayor Isko Moreno, Senator Panfilo Lacson, at Sen. Ronald Bato Dela Rosa.