Naghahanda na ang Commission on Elections (Comelec) sa pagharap sa imbestigasyon hinggil sa umano’y dayaan sa nakalipas na midterm elections.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez, sinuspindi muna nila ang pagbabayad sa contractor lalo na ng SD cards na nagloko at nagkaaberya.
Sinabi ni Jimenez na nais nilang makita at alamin kung ano ang nangyari at ano pa ang dapat gawing sistema para hindi na maulit ang nangyari mga aberya.
Magkaiba aniya ang SD cards contractor nuong nakalipas na 2016 elections at nitong midterm elections.
Itinakda sa June 4 ang joint congressional hearing.