Labing isang presidential aspirants ang napabilang sa tentative na list ng Commission on Elections (COMELEC) para sa 2022 polls.
Kabilang sa tentative list ng presidential candidates sina Ernie Abella, Gerald Arcega, Leody De Guzman, Isko Moreno Domagoso, Norberto Gonzales, Ping Lacson, Faisal Mangondato, Bongbong marcos, Jose Jr. Montemayor, Manny Pacquiao, at Leni Robredo.
Nananatili naman sa 9 ang bilang ng vice presidential aspirants sa tentative list ng poll body, kung saan kabilang dito sina Lito Atienza, Walden Bello, Rizalito David, Sara Duterte, Manny SD Lopez, Doc Willie Ong, Kiko Pangilinan, Serapio Carlos, at Vicente “Tito” Sotto III.
Samantala, mula 70 ay nasa 64 na lamang ang senatorial aspirants na kabilang sa inilabas na listahan ng COMELEC.