Inilunsad ng Commission on Elections (COMELEC) ang isang plataporma na magkakaloob ng libreng livestreaming ng E-rallies para sa May 2022 National and Local polls.
Ang Campaign S.A.F.E . Comelec E-rally Channel sa Facebook ay magbibigay ng E-rally airtime sa lahat ng kakandidato sa pagka-pangulo, bise presidente, senador, at party-list organizations.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, mag-iisyu ng guidelines ang komisyon kung paano lalahok ang mga kandidato at partylist organizations sa nasabing E-rally channel.
Aniya, ang naturang plataporma ay makakatulong lalo na sa mga kandidatong kakaunti lamang ang followers.
Nakatakdang simulan sa February 8, 2022 ang livestreaming ng E-rallies tuwing gabi sa Official Social Media Accounts ng COMELEC.
Ang schedule ng E-rally timeslots para sa presidential candidates at vice presidential bets ay 10 minuto na may tatlong slots kada gabi.
Sa senatorial candidates at party list organizations ay tatlong minuto at limang slots kada gabi habang 10 minuto at tig-tatlong slots kada gabi naman para sa political parties.