Binibigyan pa ng Commission on Elections (Comelec) ng isa pang pagkakataon ang mga kandidato na magkusang baklasin ang kanilang mga posters na nasa iligal na lugar.
Ayon kay Director James Jimenez, Spokesman ng Comelec, sisimulan na nilang i dokumento ang mga illegal posters na nakatayo pa sa pagsisimula ng kampanya ng para sa eleksyon, bukas, Pebrero 12.
Ito aniya ang kanilang gagawing basehan sa pagsasampa ng kaso laban sa kandidato.
Binigyang diin ni Jimenez na hindi nila kakagatin ang nakagawiang palusot ng mga kandidato na hindi sila kundi mga supporters nila ang naglalagay ng posters sa mga hindi tamang lugar.
—-