Nagpaalala ang Commission on Elections (COMELEC) sa lahat ng mga kumandidatong pulitiko sa nakalipas na May 9 national and local elections na magsumite ng kanilang statement of contributions and expenditures (SOCE).
Ayon kay COMELEC chairman Andres Bautista, mayroon hanggang Hunyo 8 o isang buwan matapos ang eleksyon para magsumite ng SOCE at makaiwas sa parusa.
Sinumang mabibigong magsumite ng SOCE ay mahaharap sa reklamong administratibo at maaari pang mapatawan ng pang habangbuhay na diskuwalipikasyon sa paghawak ng posisyon sa gobyerno.
Nakasaad sa ilalim ng rule 13 ng COMELEC resolution 9991, ang mga kandidato na mabibigong magsumite ng soce sa loob ng dalawang eleksyon ay mapapatawan ng perpetual disqualification sa paghawak ng puwesto sa pamahalaan.
By: Mariboy Ysibido