Nagpaalala sa publiko ang Commission on Elections (Comelec) na sundin ang health and safety protocols na ipinatutupad ng pamahalaan kabilang na ang pagsusuot ng face shield at facemask sa panahon ng kampanya.
Ito ay para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 infections at makontrol ang pagtaas ng kaso ng nakakahawang sakit.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, kailangang sumunod sa protocols ng mga taga-suporta, kandidato at partido dahil hindi sigurado na ligtas ang bawat isa sa gitna ng kampaniya. —sa panulat ni Angelica Doctolero