Nagpaalala sa publiko ang Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa vote buying ng mga kandidato sa 2022 National and Local Elections.
Kasabay ito ng pag-arangkada ng campaign period para sa May 9 National Elections.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, nakikipag-ugnayan na ang Campaign Committee sa mga opisyal ng Barangay upang i-monitor ang posibleng paglabag sa gitna ng Campaign period.
Hinikayat ni Jimenez ang publiko na isumbong sa mga otoridad sakaling may nalalaman kaugnay sa pagbili ng mga boto at agad na maghain ng reklamo laban sa mga kandidato.
Sinabi pa ni Jimenez, na hindi dapat pinalulusot ang ganitong uri ng pandaraya na itinuturing na Election offense kung saan, maaaring pagmultahin ang sinomang mahuhuling lalabag o posibleng humantong sa pagkakakulong. —sa panulat ni Angelica Doctolero