Nagpaalala sa publiko ang Commission on Elections (COMELEC) na samantalahin na ang voter’s registration na sinimulan noong December 12 na tatagal hanggang January 31, 2023.
Sa pahayag ni Prov. COMELEC Spokesperson Jomel Ordas, dapat iprayoridad ng publiko ang pagpaparehistro, dalhin lamang ang mga kinakailangang dokumento o requirements na makikita sa website ng kanilang ahensya.
Sinabi ni Ordas na inilatag nadin ng COMELEC ang Voters Satellite Registration para sa mga sumusunod na petsa at lugar kabilang na dito ang:
North Mini City Hall sa Brgy. San Rafael at North East Mini City Hall sa Brgy. Macarascas na gaganapin sa December 17, 2022; South West Mini City Hall sa Brgy. Napsan na gaganapin sa January 21, 2023; at South Mini City Hall sa Brgy. Luzviminda na gaganapin naman sa January 28, 2023.
Inaanyayahan din ng provincial COMELEC ang mga interesadong magpa-rehistro para sa nakatakdang Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa buwan ng Oktubre ng susunod na taon.