Ipinaalala ng COMELEC ang mahigpit na pagbabawal sa pangangampanya tuwing Huwebes at Biyernes Santo.
Binigyang diin ni COMELEC Commissioner Luie Guia na dapat igalang ng mga kandidato ang dalawang araw na ito ng Semana Santa na itinuturing na quiet period.
Dahil dito, bawal magsagawa ng motorcade at maging ang pagpapalabas ng political ads sa radyo at telebisyon ng mga kandidato dahil paglabag ito sa campaign rules.
Sinabi ni Guia na posibleng ikunsider na vote buying ang pamimigay ng bottled water, pamaypay at t shirts sa mga pilgrims ngayong Mahal na Araw.