Nagpasa ng resolusyon ang Commission on Elections (COMELEC) para mapataas ang overseas absentee voters para sa 2022 national and local elections.
Ipinasa ng komisyon ang ‘vote anywhere’ resolution para payagan ang mga overseas registered voters na makaboto kahit hindi sila nakarehistro sa mga bansa kung saan sila naninirahan at nagtatrabaho.
Ayon kay COMELEC Overseas Absentee Voting Division In-Charge Commissioner Marlon Casquejo, kinakailangan lang umano ng mga botanteng OFWs na mag-file ng manifest intend to vote pero dapat ay nakarehistro sila sa overseas voting list.
Samantala, sa pakikipagtulungan naman ng Department of Foreign Affairs (DFA), iimplementahan din ng COMELEC ang two-way postage patungkol sa address ng mga overseas voters na pinondohan ng gobyerno. – sa panualt ni Angelica Doctolero