Opisyal nang tinapos ng Commission on Elections (Comelec) ang operasyon ng Transparency Media Server sa University of Santo Tomas (UST).
Ayon sa Comelec, wala na silang hinihintay na transmission sa Vote Counting Machines (VCMs) maliban sa gagawing special elections sa Lanao del Sur.
Dahil dito, inaasahang isa-shutdown na ang buong operasyon ng Media server.
Hanggang Huwebes ng gabi, nasa 98.35% o 45, 135 na ang bilang ng election returns na natanggap ng transparency server.