Hinimok ng Commission on Elections o COMELEC ang mga gun holders o nagmamay-ari ng baril na maghain na ng kanilang aplikasyon.
Ito’y para makakuha ng exemption sa ipatutupad na nationwide gun ban para sa 2016 presidential elections.
Kahapon, sinimulan na ng COMELEC ang pagtanggap mng aplikasyon para sa gun ban exemption.
Ayon kay COMELEC Chairman Andy Bautista, ang Committee on the Ban of Firearms and Security Personnel ang siyang mangangasiwa sa paglalabas ng certificates of authority.
Ang binuong secretariat na kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa COMELEC, AFP at PNP naman ang siyang aalalay sa mga aplikante.
Nakasaad sa itinatadhana ng Omnibus Election Code, bawal magdala ng baril ang sinuman sa mga gusali, kalye, parke, pribado o pampublikong sasakyan kahit may permit to carry sa panahon ng halalan.
By Jaymark Dagala