Ikinalendaryo na ng COMELEC o Commission on Elections ang Barangay at SK o Sangguniang Kabataan elections sa kabila ng mga hakbang para muli itong maipagpaliban.
Sa inilabas na Comelec Resolution Number 10177, itinakda ang Setyembre 23 hanggang Oktubre 30 bilang election period.
Mula Setyembre 23 hanggang katapusan ng Setyembre bubuksan ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) para sa mga nagnanais tumakbo sa Barangay at SK positions.
Habang tatakbo naman mula Oktubre 13 hanggang 21 lamang ang campaign period para sa nasabing halalan.
Ipatutupad din sa itinakdang election period ang pagpapatupad ng nationwide gun ban at ipagbabawal din ang paggamit ng security personnel at bodyguards ng mga kandidato.
Hindi na rin papayagan ayon sa COMELEC ang paglilipat ng presinto ng mga botante gayundin ang pananakot sa mga opisyal o kawani ng gubyerno na gumaganap sa kanilang tungkuling may kinalaman sa halalan.
By Jaymark Dagala