Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Father’s Day, nakatakdang ilunsad ng Commission on Elections (Comelec) ang tatlong araw na special voter registration para sa mga kalalakihan.
Inanunsyo ng Comelec na isasagawa ito mula Hunyo 21 hanggang 23, alas-8 ng umaga hanggang alas-5 ng hapon sa lahat ng local Comelec offices.
Noong nakaraang buwan, nagsagawa rin ng special voters registration para sa mga kababaihan bilang pagdiriwang sa National Women’s Month.
Magtatagal hanggang Setyembre 30, 2021 ang voters registration para sa may 2022 national and local elections. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico