Target ng Commission on Elections na matapos sa Abril ng susunod na taon ang pag-iimprenta ng mga balota na gagamitin sa 2016 elections.
Inihayag ito ni COMELEC Commissioner Christian Robert Lim.
Ayon kay Lim, kailangang matapos ang printing ng official ballots sa Abril 25 saka ito ide-deliver sa mga polling precincts sa mga remote areas sa bansa.
Huling pagdadalhan ng mga balota ang mga voting centers sa Metro Manila.
Sinabi ni Lim na depende sa aktwal na bilang ng mga rehistradong botante ang ililimbag na balota ng poll body.
By: Meann Tanbio