Nairaffle na ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagkakasunod-sunod ng mga pangalan ng partylist group sa balota.
Ito ay bilang paghahanda sa 2022 national and local election kung saan, nakuha ng Kalipunan ng Maralita at Malayang Mamamayan o KAMALAYAN ang pinaka number 1 spot sa balota mula sa 165 accredited na partylist groups.
Kabilang pa sa mga party-list group na kasama sa listahan na nairaffle ang:
- Kilos Mamamayan Ngayon Na (KM NGAYON NA)
- Philippine Society for Industrial Security (PSIS)
- Agricultural Sectoral Alliance of the Philippines (AGAP)
- Kabalikat ng Mamamayan (KABAYAN)
- Home Owners and Marginalized Empowerment Through Opportunities with Neighborhood Economic Reliability (HOME OWNER)
- Kabalikat Patungo sa Umuunlad na Sistematiko at Organisadong Pangkabuhayan Movement (KAPUSO-PM)
- PDP Cares Foundation, Incorporated (PDP CARES)
- Noble Advancement of Marvelous People of the Philippines (MARVELOUS TAYO)
- Advocates and Keepers Organization of OFWS, Inc. (AKO OFW) —sa panulat ni Angelica Doctolero