Nakaalerto na ang COMELEC kaugnay sa posibleng contactless bilihan ng boto ngayong new normal.
Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon naghahanda na sila sa posibleng vote buying sa pamamagitan ng online money transfer systems kaya’t nakikipag-ugnayan na rin sila sa BSP hinggil dito.
Tiniyak ni guanzon na tuluy tuloy ang kanilang trabaho para sa 2022 national elections maging ang pag a aral sa mga iligal na aktibidad sa panahaon ng halalan.
Sa ngayon aniya kinukunsulta na nila ang UP School of Economics at iba pang experts para matutukan ang mga pagbabagong kaakibat ng kasalukuyang sitwasyon at kung paano mapapanagot sa batas ang mga lumalabag sa election laws.