Nakahanda na ang Commission on Elections (Comelec) para sa pagsisimula ng Overseas Absentee Voting para sa 2022 National and Local elections sa Abril a-10.
Ayon kay Comelec Commissioner George Garcia, 100% handa ang kanilang ahensya maging ang lahat ng embahada at konsulado ng Pilipinas.
Sinabi ni Garcia na naglagay ng dalawang tauhan ang kanilang ahensya upang magbantay at obserbahan ang training ng embassy officials at mga staff.
Bukod pa dito, 80% narin ng mga poll paraphernalia at supplies na gagamitin para sa eleksiyon ay nai-deploy na sa mga embahada at konsulado ng bansa.
Tatagal ang botohan hanggang Mayo a-9 kung saan, mayroon 1.6 million registered overseas voters para sa 2022 elections. —sa panulat ni Angelica Doctolero