Muling nanindigan ang Commission on Elections (COMELEC) na hindi na palalawigin pa ang voter registration period para sa mga nais makaboto sa May 9,2022 national & local elections.
Itinuturing din ni Comelec Spokesperson James Jimenez na ‘generally successful’ ang extension period bagama’t dinagsa ng mga tao ang mga tanggapan ng poll body at ilang satellite registration sites.
Tinatayang apat na raang libong indibidwal ang nakahabol sa huling araw ng pagpaparehistro na mas mataas ng isang daang libo kumpara sa target registrants ng ahensya na nasa tatlong daang libo.
Samantala, sa kabila ng extended registration period, nilinaw ni Jimenez na susundin pa rin nila ang ‘schedule of activities’ para sa 2022 elections.