Palalawigin ng Commission on Election (COMELEC) ang information campaign sa Register Anywhere Project (RAP).
Layunin nitong mahikayat ang publiko na magparehistro para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ito, ayon kay COMELEC Chairman George Garcia, ay dahil mababa ang turn-out ng registrants sa RAP hubs sa Metro Manila, Tacloban City sa Leyte at Legazpi City sa Albay kaya’t i-e-extend ang registration.
Nakapagtala naman ng pinakamataas na bilang sa SM Fairview na may 190 registrants; Robinsons Galleria, 133 at Robinsons Place Manila, 118.
Magtatapos ang pilot test ng register anywhere hanggang Enero 22, 2023. —sa ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5), sa panulat ni Jenn Patrolla