Ipapadala na ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga Vote Counting Machine at iba pang Automated Election System (AES) supplies sa iba’t ibang bahagi ng bansa simula bukas, Sabado ng hatinggabi.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, sa ngayon ay nagsisimula nang ilagay sa mga truck ang VCMs at ballot boxes.
Inimbitahan naman ni COMELEC Chaiperson Saidamen Pangarungan ang political parties, stakeholders at media para mapasaksihan ang nabanggit na aktibidad.
Samantala, magpapatuloy hanggang sa unang dalawang linggo ng Abril ang paghahatid ng naturang equipments sa mga warehouse sa buong bansa. - sa panulat ni Airiam Sancho