Nakatakdang mag-imprenta ang Commission On Elections (COMELEC) ng official ballots sa susunod na linggo para sa Halalan 2022.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, posibleng makumpleto ang final list ng mga kandidato sa Enero 15 kung saan maaaring mag-print ng mga balota sa January 17.
Bukod dito, ilalagay din ang mga nasabing balota sa website ng komisyon.
Samantala, tinatapos na lamang nila ang paglalatag ng mga plano at sisiguruhin na ilalabas agad ito sa publiko.
Aniya, tinitignan na rin nila ang pag imprenta ng mga balota para sa overseas voters kung saan posibleng maunang iimprenta ang overseas ballots bago ang buwan ng Abril.