Nakatakdang magdeploy ng mga balota at election machines ang Commission on Elections (Comelec) sa Abril a-19.
Ayon Comelec Director Julio Hernan, Head ng Packing and Shipping Committee, nagsimula na sa paghahatid ng mga baterya ng Vote Counting Machines (VCM) ang poll body sa mga destination hub bago isunod ang mga nasabing makina.
Ito ay bilang paghahanda sa 2022 national and local election na isasagawa sa Mayo a-9.
Maghahatid din ang poll body ng mg VCM kits sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Abril a-2; Abril a-18 hanggang a-19 naman sa National Capital Region (NCR); habang ang timeline para sa paghahatid sa mga official ballots ay mula Abril a-20 hanggang Mayo a-5.
Sa ilalim ng Comelec, ang F2 logistics naman ang siyang tututok at mamamahala sa pagpapadala ng mga election paraphernalia mula sa mga bodega ng Comelec patungo sa mga Regional hub.
Samantala, maglalagay din ng mga CCTV sa mga Regional hub upang makasiguro na awtorisado ang lahat ng mga tauhang papayagang makapasok sa pasilidad sa mismong halalan. —sa panulat ni Angelica Doctolero