Nasa 223 aplikasyon ng exemption sa gunban ang natanggap na ng Commission On Elections (COMELEC) para sa darating na eleksyon 2022.
Batay sa datos ng COMELEC, mula sa nasabing bilang 127 ay mula sa security detail, 53 sa security agencies, 21 sa Law Enforcement agencies, 10 sa high risk individuals, sampu sa personnel ng na humihingi ng ‘authority and accreditation’ para sa transportasyon ng firearms at ibang controlled chemicals; at dalawa sa cashiers at disbursing officers.
Nasa 28 lamang dito ang naaprubahan habang 74 naman ang hindi naaprubahan.