Halos 2 milyong aplikasyon na ang natanggap ng Commission on Elections (Comelec) mula nang umarangkada muli ang voter registration sa bansa noong September 2020.
Ito ang inihayag ni Comelec spokesperson James Jimenez kasabay ng inilunsad na information drive ng ahensya na pinamagatang “Walkah-Walkah: @MagparehistroKa Voter Education Campaign.”
Gayunman, inamin ni Jimenez na malayo pa rin ang nasabing bilang sa apat na milyong target na registrants ng poll body para sa halalan sa susunod na taon.
Samantala, muling nanawagan sa publiko si Jimenez na huwag matakot na magparehistro dahil wala namang naitatalang coronavirus transmission sa mga sangay ng Comelec.
Ang nationwide voter registration ay bukas hanggang Setyembre 30, 2021.