Halos tatlong milyong aplikasyon para sa voter registration at iba pang requests ang natanggap ng Commission on Elections (Comelec) mula noong nakaraang taon.
Ayon sa Comelec, as of Mayo 15, nasa 2,904,347 applications na ang nakuha nila mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Mas marami umano ang mga naitalang bilang ng mga aplikasyon mula Enero hanggang Marso ngayong taon na nasa 776,194.
Matatandaang umangkarada na muli ang voter registration sa Metro Manila at iba pang kalapit-lalawigan noong Mayo 17 kung saan patuloy din ang satellite voter registration sa mga barangay.