Mahigit 30 reklamo na laban sa mga kandidatong lumabag sa election campaign ang natanggap ng COMELEC.
Tatlong araw ito nang simulan ang kampanya para sa mga tatakbo sa national position tulad ng senador at party list.
Sinabi ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na nagpadala na sila ng notice sa mga kandidatong may illegal posters.
Ilang election officers nila ang nakakita sa paglabag partikular sa laki ng campaign materials at paglalagay nito sa hindi otorisadong lugar.