Nakiisa ang buong puwersa ng Commission on Elections sa buong kapuluan sa kampanya upang tapusin na ang VAW o Violence Against Women mula Nobyembre 25 hanggang Disyembre 12.
Sa pamamagitan ito ng pagsusuot ng kulay orange na t-shirt sa pagpasok ng lahat ng kawani at opisyal sa COMELEC ngayong araw na ito.
Ayon kay COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, ipinapakita ng komisyon sa pamamagitan ng pagsusuot ng VAW t-shirts ang commitment nilang lumahok para mapalaganap ang mga impormasyon laban sa karahasang dinaranas ng mga kababaihan.
Maliban sa pagsusuot ng orange t shirts, nagsagawa rin ng mga seminars laban sa karahasan sa kababaihan at mga bata ang mga sangay ng Comelec sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ang labing walong araw na kampanya na pinangungunahan ng Philippine Commission on Women ay mayroong temang “VAW-free community starts with me”
Layon nitong imulat ang taongbayan na mayroon pa ring nangyayaring mga karahasan sa makabagong panahon sa mga kababaihan at kabataan.
Press Release: COMELEC Joins Observance of Annual Campaign Against VAW @commrguanzon @LTFGuia @jabjimenez @PCWgovph pic.twitter.com/skWemwIDJj
— COMELEC (@COMELEC) December 8, 2017
COMELEC Senior staff in commitment to End Violence Against Women (VAW) https://t.co/afGqpzScUi pic.twitter.com/UjGsXfj1tA
— COMELEC (@COMELEC) December 8, 2017
.@COMELEC Senior staff in a huddle with Acting Chairman Christian Lim showing commitment to stopping #VAW pic.twitter.com/1YiSEbQp02
— COMELEC (@COMELEC) December 8, 2017