Nanawagan si Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andy Bautista sa Korte Suprema na kung maaari ay bilisan ang isinasagawang oral argument sa disqualification case ni Senadora Grace Poe.
Ayon kay Bautista, ito ay para hindi naman mabalam ang paghahandang gingawa ng COMELEC para sa 2016 elections kabilang ang pag-iimprenta ng balota.
Binigyang diin ni Bautista na mahalaga kasing masunod ang kanilang timeline upang maiwasan ang mga aberya pagsapit ng eleksyon.
“Hindi naman po, well lahat naman tayo under pressure, kami din po under pressure na bilisan din ang aming trabaho kaya lang alam din naman natin pag tayo’y nagmamadali, lalong-lalo na sa paghahanda sa ating halalan, mas maraming pagkakataon na magkaroon ng aberya kasi nagmamadali, kaya yun ang aming inaano, we’re trying to balance, on the one hand we try to accommodate but on the other hand may mga timeline.” Pahayag ni Bautista.
By Ralph Obina | Karambola