Nanawagan ang Commission on Elections (COMELEC) sa mga botante na kung maaari ay huwag nang makipag-marites o chismisan pagkatapos bumoto sa May 9 elections.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, mapapansin kasi base sa mga nakaraang halalan na may mga botante na pagala-gala sa loob ng polling place habang ang iba ay nakikipag-chismisan pa.
Ang paki-usap aniya’y dahil mayroon pa ring COVID-19 sa bansa na posibleng makapang-hawa.
Sinabi pa ni Garcia na mas magandang makaboto at maka-uwi ng ligtas ang lahat.
Samantala, mula ala-6 ng umaga hanggang alas-syete ng gabi bukas ang mga presinto sa naturang araw ng botohan.