Dapat makaboto ang lahat ng eligible na Pilipino sa darating na 2022 Elections.
Ito ang pinatitiyak ni House Speaker Lord Allan Velasco sa Commission on Elections (COMELEC).
Ayon kay Velasco, mahalagang bahagi ng demokratikong proseso ay ang karapatang bumoto sa halaan kaya dapat tiyakin ng COMELEC na lahat ng karapat dapat botante ay makapagparehistro at magamit ang kanilang karapatan sa pagboto.
Sinabi pa ni Velasco na ang pagpapalawig sa voter’s registration ay makatutulong sa mga kabataan na hindi pa nakakapagparehistro at bumoboto sa mga nakalipas na taon.
Base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 73-M ang kwalipikadong makiisa sa may 2022 Polls.