Nanawagan ang Commission on Elections o COMELEC sa mayroong kaanak na nasawi na botante na hindi pwede gamitin ang kanilang mga pangalan sa darating na halalan.
Ang hakbang na ito ay isang paraan upang maprotektahan ang alaala ng mga namayapang tao at hindi magamit sa pandaraya.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, maraming pangalan ang lumalabas sa COMELEC ballots na patay na habang ang iba ay ginagamit sa pamamagitan ng flying votings.
Bukod dito, maaaring rin aniyang itawag na lamang ng mga kaanak nila sa kanilang mga local COMELEC offices kung saan bumoboto ang mga namayapang kaanak.— sa panulat ni Rashid Locsin