Muling nanawagan ang Commission on Elections sa Korte Suprema na sana ay pagbigyan sila sa kahilingang mag-demo ng mga makinang gagamitin sa halalan.
Ito ang laman ng motion for reconsideration na inihain ng COMELEC sa Supreme Court bilang tugon sa nasabing kautusan.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Chairman Andres Bautista na nais nilang maipaliwanag sa Korte Suprema ang tungkol sa hamon na kanilang haharapin sa resibo.
Kasabay nito ang kanilang kahilingan na sana ay sa susunod na eleksyon na lamang ito ipatupad.
“Humihingi kami ng pahintulot mula sa Korte Suprema na mag demo ng makina sa kanila para kanilang maintindihan ang aming sinasabi. Pagkatapos, ang gusto rin namin mabigyan kami ng pagkakataon na magpaliwanag, kung ano ba yung mga hamon at panganib na mangyayari kung ipapatupad natin yung pag iimprenta ng resibo para sa halalan na ito,” paliwanag ni Bautista.
By: Allan Francisco