Nanindigan ang COMELEC o Commission on Elections na itutuloy na nila ang pag-iimprenta ng mga balotang gagamitin para sa Barangay at SK o Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre.
Ito’y kahit pa wala pang pinal na desisyon ang Kongreso hinggil sa pagpapaliban ng nasabing halalan.
Kasunod nito, inamin ni COMELEC Spokesman James Jimenez na tinatayang nasa P1-B pondo ang masasayang kapag hindi itinuloy ang halalang pambarangay.
Batay sa ikinasang timeline ng COMELEC, mayroon na lamang sila hanggang sa ikalawang linggo ng Oktubre para simulan ang paglilimbag ng mga balota.