Nanindigan ang Commission on Elections (Comelec) na tuloy ang 2022 national elections.
Ito ay sa kabila ng nararanasang pagsirit sa kaso ng covid-19 sa bansa.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, malabong umabot sila sa puntong kanselahin ang nakatakdang eleksyon sa mayo 2022.
Sa kabila nito, nilinaw ni Jimenez na pwede naman makansela ang eleksyon sa ilang partikular na lugar sa bansa sakaling ma-infect ng covid-19 ang miyembro ng electoral board.
Pero sakaling dumating na ang kapalit na new electoral boards ay sisimulan agad ito. –Sa panulat ni Abie Aliño