Nanindigan ang Commission on Elections (COMELEC) na walang makakapigil sa pagdaraos ng eleksyon sa lahat sulok ng bansa sa darating na Mayo a-9.
Kasunod ito ng babala ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa posibleng suspensyon ng eleksyon sa ilang lugar sa bansa sakaling makitaan ng pagtaas sa naitatalang kaso ng COVID-19.
Ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia, makatarungan lamang ang pagsuspinde sa eleksyon kung tataas ng 80% o higit ang COVID-19 cases sa isang partikular na lugar.
Giit pa ni Garcia, COMELEC lamang ang karapatang magdesisyon ng anumang bagay o pangyayaring may kaugnayan sa eleksyon.
Binigyang diin pa nito na papagayan lamang ang suspensyon ng eleksyon kung magkakaroon ng force majeure o hindi mapipigilang insidente gaya ng sakuna o di kaya’y mga kaso ng destruction of election paraphernalia, terorismo, karahasan o “analogous cases.”