Nanindigan ang Commission on Elections na walang naganap na dayaan sa May 9 elections sa kabila ng pagpapalit ng Smartmatic ng kanilang data server script ng mga vote counting machine.
Ito ang nilinaw ni COMELEC Chairman Andres Bautista sa gitna ng akusasyon ni vice presidential candidate na si Senator Bongbong Marcos na mayroon umanong iregularidad sa bilangan ng mga boto dahilan upang maungusan siya ng kalabang si administration candidate at Camarines Sur Rep. Leni Robredo.
Ayon kay Bautista, wala namang naging epekto sa bilangan ang ginawang correction.
Hindi naman anya nito binago ang resulta ng halalan at canvassing ng mga boto maging ang source code ng automated election system.
By: Drew Nacino