Ipinaliwanag ng Commission on Election o COMELEC 2nd Division na dahil sa hindi nakasunod sa ilang probisyon ng Republic Act 7941 o Party-List System Act ang dahilan kung bakit nakansela ang Registration ng An Waray Party-List Group.
Kung saan pinayagan ng naturang partido na maupo sa pwesto ang 2nd nominee nito na si Atty. Victoria Isabel Noel bilang kanilang kinatawan sa ika-16 na Kongreso sa kabila na wala pang inilalabas na Certificate of Proclamation para kay Noel ang Komisyon.
Nabatid na matapos tingnang maigi ng Komisyon, isang puwesto lang ang maaaring makuha ng partido sa Kongreso. Taliwas sa unang kalkulasyon na mayroon itong 2 seats sa Kongreso noong 2013 National and Local Elections kung saan nanalo ang naturang partido.