Itinanggi ng Commission on Elections (COMELEC) na nagkaroon ng problema ang kanilang biometrics system dahilan umano para mabura ang biometrics ng mga maagang nagparehistro.
Pinabulaanan ni COMELEC Spokesperon Dir. James Jimenez ang isyu at sinabing walang nabura sa kanilang database.
Gayunman, meron aniyang ilang records na nagkaroon ng data degradation.
Paliwanag pa nito, may ilang nagparehistro na hindi mabasa ang pirma, litrato o marka ng daliri dahil lumabo ito o nabawasan ng kalidad.
Tinatayang may 4.3 milyong botante ang may hindi kumpleto o walang biometrics na posibleng hindi makaboto sa 2016 maliban na lang kung maayos ang registration.
Sabi pa ng hepe, mas mapapadali na ang pagpapa-biometrics ng mga dati na at bagong mga botante dahil magkakaroon na sila ng satellite offices sa mga mall sa bansa tulad ng Robinson’s, Ayala Malls at SM.
By Mariboy Ysibido