Binigyang diin ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Andres Bautista na bagamat gusto nilang mag-imprenta ng resibo ng balota hindi ito kayang ihabol sa May 9 elections.
Ayon kay Bautista, ito ay dahil kailangan pang i-programa ang paglalabas ng resibo, at hindi ito kasing dali ng pag o – on o pag o – off.
Nanindigan din si Bautista na ang tinutukoy na paper trail, sa automated election system ay ang balota katulad ng nasa desisyon ng korte sa dating kaso ni Atty. Harry Roque.
Kaugnay nito, sinabi ni Bautista na nakatakda din magpulong sa Lunes ang COMELEC Advisory Council hinggil sa usapin.
LISTEN: Bahagi ng panayam kay Chairman Andres Bautista
MR
Kaugnay nito, inihain na sa Korte Suprema ng Commission on Elections sa pamamagitan ng Office of Solicitor General ang kanilang motion for reconsideration sa Korte Suprema kaugnay ng apela nito sa kautusan na mag-issue ng resibo sa May 9 elections.
Sa naturang mosyon, inihayag ng COMELEC sa Supreme Court na hindi na kailangan ng resibo dahil ang mismomg balota na ang magsasagawa ng paper audit trail requirements na alinsunod sa batas.
Magugunitang tinalakay ng poll body sa kanilang emergency meeting at en banc session ang nabanggit na apela.
Una ng kinatigan ng SC ang hirit ng senatorial candidate na si Dick Gordon at iba pang grupo upang ipatupad ang voter’s receipt.
By Drew Nacino | Allan Francisco | Katrina Valle | Sapol